Daily Insanity

Ella. 20. UPLB. Maarte. Mababaw. Madrama. Martyr. Selosa. Reklamadora. Makulit. Malupit.
 for you Glen Coco :)

search

powered by tumblr
seattle theme by parker ehret

  1. On giving up.

    2 weeks. Lagi akong pagod. Puyat. Walang magawang maayos. Parang gusto ko nang sumuko. Bakit di ko kaya yung ginagawa nila. Bakit yung mga batchmates ko, promoted na. Nakakalungkot. :( Haha.

    Ilang beses ko na bang sinukuan ang isang bagay dahil iniisip kong hindi ko kaya. Isa? Dalawa? Maraming beses na. Ewan ko. Palagi akong merong “Kung uulitin ko ang buhay ko noong…”. At ayoko nang madadagdagan pa yun. 

    Kaya ngayon, kahit nahihirapan ako, kahit napapagod ako parati, sisikapin kong matuto araw araw para ma-gain ang skills na kailangan ko. 

    Sana paguwi ko next time, satisfied na ako sa performance ko. 

     
     
  2. What now?

    7 days. Graduation. Then what? Hirap naman nito oh. 

     
     
  3. I know I’m supposed to be happy.

    I mean, really really happy. Eto na oh. Ang lapit-lapit na. Eto na yung bunga ng lahat ng pinaghirapan ko. Pero hindi eh. Kapag narerealize ko  gaano na kalapit yung araw na magsisiuwian na lahat, nalulungkot ako. Last week this week. Last week na maeenjoy ko ang LB, dahil next time, pagbalik ko dito, hindi na ganito. Iba na lahat. Gusto ko makasama lahat. Lahat2 ng taong nagpasaya sakin.

    Ewan. Basta malungkot ako. 

    Kaya pala PAGTATAPOS ang tawag sa kanya.

     
     
  4. Anyone. Please make the rest of this day better.

    • Yung exam kaninang umaga, kahit umaga na ko natulog parang hindi pa din ako nag-aral.
    • Ang tigas nung sinaing kong kanin.
    • Antok na antok na ako, hindi ako makatulog kasi kelangan pang mag-aral.
    • Nag-aral aral ako, wala naman palang klase.
    • Sa dinami-dami ng makakalimutan, magpaprint pa ng critique paper.
    • Na-print nga, na-print naman in black and white yung picture. 
    • Napaka ineeeet.
    • May picture dapat to, nagloko. 

     
     
  5. Alone.

    • Sa kuya ko na hindi masyadong nagkkwento sakin pero walang sawang sumusundo sa akin sa kanto tuwing umuuwi ako.
    • Kay Jasper na hindi ako binibigyan ng unan kapag gabi pero tuwang-tuwa sa UP shirt na bigay ko.
    • Kay Justin na kahapon pa pumupunta ng mga bible study, pero ipinaghain at ipinaghugas ako ng pinggan kagabi. 

    SERIOUSLY. Nasan kayo ngayon? Bakit ako na lang mag-isa dito sa bahay? K. Di nila ako namiss. Haha.

     
     
  6. Bakit kelangang sabay-sabay mag-alisan ang mga housemates / pepmates ko? T.T

     
     
  7. Bakit kasi ang bilis-bilis kong tumaba? :(

     
     
  8. Random.

    Nabobore na ako sa buhay ko. Ewan ko ba. Sanay ako ng maraming ginagawa. Sanay ako ng walang free time. Sanay ako na laging iniisip paano ko tatapusin lahat ng kailangan kong gawin. Nabobore na ko. Puro GE? Siguro. May isa kong major. Inaaral ko naman siya. Pero nadidisappoint ako sa results ng quizzes ko kaya tinatamad na ako mag-aral. Yung thesis ko ginagawa ko naman unti-unti. Pero feeling ko walang improvement. Bat ganon. Ewan. Basta parang nawawalan ako ng ganang gawin ang mga bagay-bagay sa ngayon. Ang dami kong namimiss. Ang dami kong gustong makita at makasama. Ang dami kong gustong gawin at maranasan bago matapos ang sem na to. Bakit ba kasi hindi na lang iisang oras ang free time nating lahat. :/ Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko sa ngayon. At hindi ko rin gusto. :( 

     
     
  9. Pride.

    Maniwala ka, minsan kailangan mo rin nito. 

     
     
  10. Minsan, nkakalungkot lang talagang isipin na kung sino pa yung mga taong inaasahan mong magpapagaan ng loob mo, dadagdag pa pala.