May GF.
Daily Insanity
Ella. 20. UPLB. Maarte. Mababaw. Madrama. Martyr. Selosa. Reklamadora. Makulit. Malupit. for you Glen Coco :)
powered by tumblr
seattle theme by parker ehret
"If there’s so much I must be, can I still just be me? The way I am. Can I trust in my own heart, or am I just one part of some big plans?"
"Whether it’s taking each other for granted, or people changing over time, bottomline is.. someone stops trying. And feelings aren’t as strong as before."
May GF.
"Because sometimes things happen to people and they’re not equipped to deal
with them."
(Source: tiis-ganda)
(Source: thinkexist.com)
"A wise girl kisses but doesn’t love. Listens but doesn’t believe. And leaves before she is left."
Sa una, syempre masaya. Dahil sa wakas, nakuha mo na ang matagal mo nang inaasam. Solve ang inipon mong puhunan, at salamat sa mga taong nag-ambag rin para dito. Aalagaan mo to, pagagandahin at ime-maintain mo. Syempre proud ka kaya may point na ipagmamayabang mo ito.
Gagamitin mo sya kahit saan. Long trips man, o road trip lang, ito ang lagi mong kasama. Pero sa mga byahe mo, hindi lang puro maaayos na daan ang madadaanan mo. Marami ka ring madadaanan na lubak, at minsan, maaari ka ring masiraan o mabangga. Hanggang sa magkaroon na ito ng gasgas, mga minor na sira sa makina at hood. Dahil sa napapadalas na pagkasira ay mapapansin mong darating sa point na hindi mo na maisingit sa oras mo ang pag-aalaga at pagpapa-ayos dito.
Hanggang dumating sa point na mrerealize mong sobrang dami na palang sira nito at marami ang kailangang palitan na piyesa para maibalik ito sa dati. Eventually mapapansin mo na lang na nawawala na ang ganda nito. Kaya darating ang araw na papabayaan mo na rin ang dati ay ingat na ingat mong kotse. Ito yung point na mauumay ka na at imemaintain mo na lang ito para lang masabi na may kotse ka.
Ang dating kasa-kasama mo saan ka man magpunta, ngayon ay isa na lang sa mga dinadaan-daanan mo sa tuwing palabas ka ng bahay nyo araw-araw.
Meron kang dalawang options.
Una. Ang irestore ang kotse mo. Oo, marami na ang mas magaganda pa kaysa dito. Pero ang kotseng ito ay naging bahagi na ng buhay mo, at kumbaga ay sanay ka na at kabisado mo na ang mga sira na nangyayari dito.
At pangalawa. Ang ibenta ito at bumili ng bagong kotse. Maaaring marami na nga kayong pinagsamahan at napagdaanan. Pero sa huli, baka mas kailangan mo nga talaga ang bagong kotse, at mas kailangan nya ng bagong owner.
Dalawa lang naman talaga ang choice mo. Ngayon, isipin mo: irerestore mo ba ang kotse mo o bibili ka na lang ng bago?