Daily Insanity

Ella. 20. UPLB. Maarte. Mababaw. Madrama. Martyr. Selosa. Reklamadora. Makulit. Malupit.
 for you Glen Coco :)

search

powered by tumblr
seattle theme by parker ehret

  1. Bili na!

    Ngayong araw nga, eksaktong alas-diyes ng umaga, ay ang pagbubukas ng aking garage sale. Mehehe. Hindi ko alam kung hanggang kelan to basta ang alam ko ay bored na ako, marami akong uwing kalat galing LB at kelangan ko ng pera. 

    Hindi masyadong maganda ang benta kanina. Umambon kasi nung hapon. Pero bukas ay susubukan ko ulit. Kahit muka na akong tanga kasi tinitingnan ako ng mga karpintero sa tapat ng bahay namin. Ang importante, nag-take ako ng risk at sinubukan kong mag one-step forward mula sa comfort zone ko. Okaaaaaay.

    Oh well. Pakisama na lang po sa inyong mga dasal na sana bukas, magmukang maganda sa paningin ng mga kapitbahay namin yung mga tinda kong damit at bag. Haha. Keiz.

    (Source: tiis-ganda)

     
     
  2. To the best mom! :)

    (Source: tiis-ganda)

     
     
  3. TMI. Mahabang kwento.

    04.26.12

    • dumating si Mommy at Daddy galing Korea. 
    • pumuntang Manila, shopping and grocery at Trinoma. Nakakapagod. -.-

    04.27.12

    • Sinamahan si Les (lifelessmiserable) sa Festi para bilhin si Primey. :)
    • Graduation practice at 3pm. 
    • Dinner with Igi, Les, Fel, Kuya Danjo, Ate Des, Ate Joy, Ate JM and Ate Jerri. I missed the old days! :(
    • Slept @ City of Springs with my family. Hinatid ako ng pep. :)

    04.28.12

    • Graduation Day! :) Nagswimming nung umaga then grad at 3 - 10 pm. Hoho.

    04.29.12

    • Manila Ocean Park. :)
    • Tapos sinundo si Justin sa Tagaytay after. Slept at 3am.

    04.30.12 (DAY 1)

    • 8am flight to Puerto Princesa, Palawan. We woke up at 5am, so bale 2 hours lang tulog namin. o.O haha. We have matching shirts. Bright idea ni mommy para madali daw magkakitaan kapag may nawawala. Yung kuya ko, pasaway forever.
    • Arrived at 9am. Then nag-city tour from 1-4pm. Ang linis ng Puerto Princesa! 

    05.01.12 (DAY 2)

    • woke up at 6am for a breakfast buffet! Yum yum! :))
    • Underground River today. :) 2 hours ang byahe by van plus 30 mins by boat. Medyo matagal pero worth it! Amazing! :D
    • But since medyo maaga kami naka alis, we decided to try other things, kasi on the way naman daw. The tour guide suggested na akyatin daw namin ang Ugong Rock and mag zipline pababa. This is the fastest zipline daw. Pero maikli lang naman siya. Nakakatamad naman kung bababa kami after namin maakyat, so nag go kaming lahat :)
    • Then at 2pm, it’s our turn to enter the Underground River. Nakakatuwa kasi ang daming turista. Nakapila talaga. And ang galing din kasi may permit pala ang pagpasok sa PPUG, which is dapat, 2 months before ka magbook para ma-sure ang slot mo. 

    05.02.12 (DAY 3)

    • Again, we woke up at around 7am para sa buffet breakfast. Then today, scheduled kami papuntang Honda Bay. Dito na yung pwedeng mag-swimming at mag-snorkling. 30 mins by land, and 45 mins by boat naman to. 3 island ang pinuntahan namin. Sulit! :)
    • Nakakatuwa si manong bangkero namin, kasi ang dami nyang alam! Pakana nya tong mga camera tricks na to. Haha. My kuya called him “banker” and “idol” throughout the trip :)
    • Favorite day at tour ko din to kasi nakasundo namin yung mga kasama namin. :) Isang magpinsan, at isang couple. Favorite ko yung couple. Parang wala na silang ginawa kundi mag-travel. Haha. Hindi pa sila nakaka alis ng Palawan pero nagpapabook na sila kagad kay daddy papuntang Korea. XD Si ate madaldal pero ang lakas ng charisma. Businesswoman kasi. Si koya naman (foreigner), walang kibo. Pero halatang mayaman. Perfect combination sila tingin ko. Si atey ang taga-manage ng pera, si koya ang taga-finance ng mga business nila. Haha. 
    • Yung magpinsan naman, halatang mayaman din. Ang dami kasing kinekwento ni Lola na kung ano-anong bansa. Yung kasama naman nya na beki, nanghiram ng sunblock dun sa couple saka ipinamigay samin. Mayaman daw yun kaya gora lang kahit maubos. Haha. 
    • The one in blue poloshirt is our tour guide, Ms. Bel. Kwela sya. And yung nakaupo naman sa may tuktok is our bangkero. May sounds pa sya na pam-party! Haha. 
    • 4pm nasa hotel na kami. So we decided to go swimming in the pool. Okay naman hotel namin. Medyo malayo lang sa bayan pero keri kasi may free shuttle service naman. Dito ko nakilala ang isang UP Prof. Dept Chair sya actually ng Human Eco. Haha. And ang dami naming napagkwentuhan kasi ang dami naming kilala in common. Small world :) This is the pool viewed from our window.
    • During our dinner, kasabay pa rin namin yung 2 group since nanggaling lang naman kami sa isang hotel. Pumunta kaming bayan and we also had our pasalubong-buying that day. :)

    05.03.12 (DAY 4)

    • This time, nasulit na namin ng bongga ang breakfast buffet kasi 6pm pa naman ang flight namin to Manila. :)) But then, we need to checkout at 12pm so at around 1pm, nagpahatid kami sa shuttle service sa bayan to eat our lunch and tumambay kami dun hanggang 4pm. :/

    05.04.12 

    • Papunta kaming Tagaytay para ihatid naman si Justin then napagdesisyunan ni daddy na dumaan ng EK. Wow. Since malapit lang si Igi, niyaya ko na din sya. Sayang si Les! May klase kasi. Haha. Igi’s the one who took this picture. Kaya wala siya. Haha. Ang saya today. <3 Binigay ko na din pasalubong ko sa family nya. :) 

    05.05.12

    • We stayed at Tagaytay the whole day. Dito lang namin naranasan ang sumuko sa mga pagkain. Grabe. Haha. Ang sasarap ng pagkain nila lalo na Bulalo! :)) Ang nakakalungkot na part lang dito ay yaya ako ng 2 batang to. Hays. HAHA. 


    05.06.12

    • Today, dumaan muna kami ng LB bago umuwi ng Nueva Ecija para kunin mga gamit ko. This was the saddest part. :( Buti wala si Fel at Les sa apt kundi baka maiyak ako sa pag-alis ko. Hehe. Nag bye na lang ako sa may-ari ng apt and dun sa kainan sa tapat namin. T.T
    • Nasiraan kami pagdating sa Manila so we had no choice but to sleep @ Tito Andy’s house. Nauna na si Jasper umuwi kasi may pasok sya sa OJT kinabukasan.


    05.07.12

    • Sinamahan si Mommy sa Divisoria para bumili ng mga kailangan nya sa pag-alis habang pinapagawa nila Daddy yung sasakyan.  Then grocery at Trinoma. Late na kami natapos kaya sinamahan ko na lang si Mommy sa hotel mag impake at sila Daddy at kuya ko na lang ang naguwi ng gamit ko sa Nueva - balikan hanggang 5am. 


    05.08.12

    • Today is their flight back to Korea. So hinatid namin sila sa airport ng kuya ko. Naghintay sa Trinoma para imeet ang isang tao. Ang dami namin kinain! HAHA. Then we headed back to Nueva Ecija. Dumating kami 2am na. Tss.
    Keiz. Dami ko sinabi. Haha. Sarreh for the long post. Nag enjoy lang talaga ako :) Now, kelangan ko na talaga humanap ng trabaho. :D


    (Source: tiis-ganda)

     
     
  4. Four-days-three-nights summer vacation to Palawan with my family. :)) Yey! Excited na koooo. Haha. We have matching shirts! Keiz. 

     
     
  5. So bale kahapon, sinama ko si Igi at Les (lifelessmiserable) sa family outing namin sa Splash Island. First time, kaya sobra lang talaga kaba ko. Fortunately, all went well at nag-enjoy naman daw sila. :)

    Nakakatuwa kasi parang yung feeling bago sakin. Na pamilyar. Something like that. Yung parang masaya ka sa mga nangyayari. Yung di mo pinapaniwala yung sarili mo na masaya ka kundi nararamdaman mo na masaya ka talaga within. K. Basta masaya ko. Haha. <3

    Next year sana ganito pa din. Oy thank you :)

    (Source: tiis-ganda)

     
     
  6. Eto’ng namiss ko :)

    3 araw nang buo ang family namin. At puro kainan, kantahan at sayawan lang ang ginagawa namin. Kagabi nag line dance at ballroom kami gamit yung videoke namin. Haha. Feeling ko nagconcert ako sa dami ng kinanta ko. Haha. 

    Feeling ko mas masaya maya-maya. Ang dami naming pinrepare na deserts. Hoho. Ciao for now! :)

     
     
  7. Bigla ko na-miss yung bahay. Lalo na si mommy. Ewan ko ba. Miss ko nang:

    • sunduin siya sa airport tapos kakain. 
    • makipagkwentuhan hanggang umaga kapag galing sya ng airport.
    • mag-mall kasama siya.
    • magpa-manicure, pedicure at footspa.
    • makabonding sya ulet.

    Anyways, pauwi naman na ulit sila ni daddy. So, I know mami-miss ko ang LB ng sobra pero excited na din ako umuwi para makasama ang family ko. Hopefully this week. :)

       
       
    • Jasper. Tito Kiko. Ako. Tito Andy. Kuya. Justin. Ang mga best man ng buhay ko. :)
Miss ko na kayo. Kahit hindi na ako ang favorite girl nyo. 

      Jasper. Tito Kiko. Ako. Tito Andy. Kuya. Justin. Ang mga best man ng buhay ko. :)

      Miss ko na kayo. Kahit hindi na ako ang favorite girl nyo.